Ipinagtanggol ni US boxing champion Floyd Mayweather si dating NBA player Nate Robinson.

Ito ay matapos ang batikos na kaniyang natatanggap ng patumbahin siya ng 23-anyos na si Jake Paul sa kanilang paghaharap sa boxing ring.

https://www.instagram.com/p/CIL9YNalPR7/?utm_source=ig_web_copy_link

Mula ng maganap ang knock-out kay Robinson ay maraming mga internet memes ang lumabas sa social media.

Nanawagan si Mayweather lalo na ang Black community na tigilan ang dating NBA star.

Sinabi nito na kahit na talo si Robinson ay kaniya pa rin itong ipagmamalaki.

Handa aniya niya itong ipagtanggol anuman ang mangyari.

Dagdag pa nito na walang problema sa mga tao na maglabas ng kanilang opinyon sa social media pero huwag lamang sa mga black athletes o black entertainers mas lalo sa mga black NBA players.

Magugunitang pinatulog ni Paul si Robinson sa loob ng ikalawang round sa paghaharap nila bilang undercard ng laban sa ilalim ninan Mike Tyson at Roy Jones Jr.