Hindi na umano nagbigla si Floyd Mayweather Jr. sa panibagong tagumpay ni Sen. Manny Pacquiao kontra kay Keith Thurman.

Reaksyon ito ni Mayweather nanood ng laban sa ringside lalo pa’t may partisipasyon ang kanyang promotional company sa naturang boxing match.

“That doesn’t surprise me. That’s Manny Pacquiao,” wika ni Mayweather.

Sa panig naman ni Pacquiao, sinabi nito na napatayo daw ang kanyang dating karibal sa kinauupuan nito nang kanyang mapatumba si Thurman sa first round.

Iginiit naman ni Pacquiao na pahinga muna ito sa pagsabak sa ring dahil sa kanyang mga trabaho bilang senador ng bansa.

Muli namang inihayag ng 8-division world champion ang kanyang interes sa Mayweather rematch.

“He’s in retirement and he’s enjoying his retirement; he’s inactive. If he’s willing to come back and willing to fight me, then at the time he will announce it, and we can say yes,” ani Pacquiao.

Una nang sinabi ng kampo ni Mayweather na hindi na raw sila magkaka-interes pa sa nasabing ideya dahil sa masaya na raw sa pagiging retirado ang undefeated champion.