inday sara duterte
Mayor Sara

Mariing pinabulaan ni Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio na siya ang nasa likod ng pagpapakalat ng text message sa mga kongresista na nanghihikayat sa kanila iboto ang kanilang personal na kursanada bilang House Speaker.

Sinabi ng presidential daughter na kung mananawagan ito ay babanggitin niya kung sino ang nararapat at hindi ang kursunada lamang ng mga kongresista.

Reaksyon ito ng Davao City Mayor sa natanggap na text messages ng mga party-list lawmakers na nagsasabing na-set up lamang ang pangulo ng mga ganid na Cabinet members na kaibigan ni Taguig Rep. Alan Peter Cayetano.

Nilinaw din nito na naaayos na ang anumang hindi pagkakaunawaan nila ni Cayetano.