Mayor Sara Duterte
-- Advertisements --

DAVAO CITY – Nakarekober na umano si Davao City Mayor Inday Sara Duterte-Carpio matapos ang nararanasan na mild symptoms matapos mahawa ng COVID-19.

Ayon kay Dr. Michelle Schlosser, tagapagsalita ng Davao City COVID-19 Task Force, mayroong pagbabago sa kondisyon ngayon ni Mayor Inday matapos sumailalim sa isolation kasama ang kanyang pamilya.

Sinabi rin nito na lahat ng mga close contacts ni Mayor Inday ang na-contact trace na at isinailalim na rin sa swab test.

Wala rin umanong close contact ng mayor na nagpositibo sa COVID.

Sa nakaraang linggo ng una nang sinabi ni Mayor Inday na nahawa ito ng virus kahit na fully vaccinated na ito ng China-made Sinopharm vaccine.

-- Advertisement --

Una na rin na nakansela ang medical leave nito para pumunta sa Singapore matapos na nagpositibo sa virus ang kasamahan nito.

Ikatlo na sa magkakapatid na Duterte si Mayor Inday sa mga nahawa ng virus.