-- Advertisements --

ILOILO CITY – Nagpapatuloy ngayon ang ginagawang contact tracing sa mga naka-close contact ni Igbaras, Iloilo Mayor Jaime Esmeralda.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Esmeralda, inamin nito na mahirap matukoy ang kanyang index case dahil na rin sa trabaho nito bilang alkalde at isa ring doktor.

Nakalockdown na rin ngayon ang munisipyo sa bayan ng Igbaras.

Napag-alaman na ang alkalde ay fully vaccinated na rin laban sa COVID-19.