-- Advertisements --

Sinibak mula sa pwesto ni Manila Mayor Francisco “Isko” Moreno Domagoso ang pitong mga tauhan ng Drug Enforcement Unit ng Manila Police District ngayong araw.

Kung saan kanyang ipnag-utos na mapatanggal ang mga miyembro nito kaugnay sa alegasyon extortion at misconduct.

Binigyang diin ni Mayor Isko Moreno Domagoso na ang mga abusadong pulis ay wala aniyang lugar para sa lungsod.

Kasunod ang naturang hakbang nang umabot ang reklamo ng ilang riders sa National Police Commission o NAPOLCOM.

Alegasyong pangingikil at pang-aabuso ang paratang ng complainants laban sa pitong tauhan.

Reklamo kasi ng mga biktima na kinulong umano sila ng ilang oras at kinuhanan pa ang isa ng P9,000.

Kaya’t sinabi ng alkalde ng lungsod na ang pagkakasibak sa mga ito ay layon ibalik ang tiwala ng publiko sa mga awtoridad sa pag-andar ng imbestigasyon.