Reading Time: 1 minute
isko moreno Ongpin
Mayor Isko Moreno

Pinasalamatan ni Manila Mayor Isko Moreno ang Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa papuri sa mga ginagawa nito sa Maynila.

Ayon sa alkalde, nakakataba ng puso ang nasabing papuri ng Pangulo.

Magugunitang pinuri ng Pangulong Duterte si Moreno dahil sa ginagawang kaayusan sa lungsod ng Maynila.

Ikinumpara pa ng Pangulo na mas marami pang nagawang trabaho ang alkalde kaysa sa kaniya.