-- Advertisements --

Muling nakapagtala ng panandaliang lava fountaining sa summit crater ng Mayon Volcano noong gabi ng Abril 14, ayon sa state volcanologists.

Batay sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), naitala ang aktibidad bandang alas-9:13 ng gabi, gamit ang close-up footage mula sa Mayon Volcano Observatory naitala ang effusive eruption ng bulkan sa ika-99 na magkakasunod na araw.

Kabilang sa mga naobserbahang ang pagdaloy ng incandescent lava, pyroclastic density currents o “uson,” at madalas na pagguho ng mga bato sa paligid ng bulkan.

Nauna rito, naitala ng PHIVOLCS ang isa pang panandaliang lava fountaining episode, kasama ang minor strombolian activity at grass fire sa paanan ng bulkan.

Nananatili naman sa Alert Level 3 ang Mayon, ibig-sabihin mahigpit na ipinagbabawal ang pagpasok sa loob ng 6-kilometer permanent danger zone (PDZ) dahil sa patuloy na banta ng pag-alburoto ng Mayon Volcano.