-- Advertisements --

Tiniyak ng Malacañang na mayroon pang ulo na “gugulong” sa mga opisyal ng Bureau of Corrections (BuCor) na mapapatunayang sangkot sa anomalya sa Good Conduct Time Allowance (GCTA) at iba pang iligal na transaksyon sa loob ng pambansang piitan.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, hihintayin ng Malacañang ang resulta ng imbestigasyon ng Senado sa mga katiwalian sa BuCor na nag-ugat sa GCTA for sale anomaly.

Ayon kay Sec. Panelo, papanagutin ng Malacañang ang mga opisyal ng BuCor na sangkot sa iba’t-ibang katiwalian o “money making operations” sa loob ng pambansang piitan gaya ng “hospital pass.”

Batay sa itinatakbo ng imbestigasyon ng Senado sa katiwalian sa BuCor kaugnay ng kontrobersiya sa Good Conduct Time Allowance Law, nakalkal pa ang iba pang illegal activies na kinasasangkutan ng prison guards.

Nauna ngan pinatawan ng preventive suspension ng Ombudsman ang 30 opisyal ng BuCor dahil sa paglakasanglot sa katiwalian sa loob ng New Bilibid Prison.