Ipinaliwanag ni Dallas Mavericks owner Mark Cuban kung bakit itinigil na nito ang pagpapatugtog ng kanilang national anthem tuwing may laro sa kanilang court.

Sinabi nito na sariling desisyon niya ang nasabing hindi pagpapatugtog ng national anthem bago ang laro ng koponan.

-- Advertisement --

Mula pa aniya noong Nobyembre ay itinigil na nito ang pagpatugtog ng national anthem nila sa American Airline Center.

Nauna rito binantaan ni NBA commissioner Adam Silver na kanilang paparusahan ang sinumang manlalaro na luluhod tuwing magpapatugtog ng national anthem ng US.

Magugunitang ilang NBA players ang lumuhod noon habang isinasagawa ang national anthem bilang pagpapakita protesta sa nagaganap na pang-aabuso ng kapulisan sa US.