Nagsama nang puwersa sina Harrison Barnes na may 24 points at Dennis Smith Jr. na nagbuslo ng 11 sa kanyang 19 points sa final 1:39 minutes para tulungan ang Dallas Mavericks na maipanalo ang laro laban sa Oklahoma City Thunder, 116-113.

Isinara ng Mavs (13-25) ang taong 2017 na may season-best na fourth straight wins.

Naging malaking hamon sa Thunder (20-17) point guard at superstar Russell Westbrook ang matchup kay Smith nang malasin pa ito sa three point area samantalang 30 segundo ang natitira sa game.

Malaking kabiguan din ang ipinalasap kay Westbrook dahil nasayang ang kanyang ika-12 triple-double ngayong season nang iposte ang 38 points, 15 rebounds at 11 assists.

Hindi rin umubra ang mainit na shooting ng iba pang players ng Thunder tulad nina Paul George na may 25 points at Carmelo Anthony na umarangkada sa 21 points.

Samantala sa next game susunod na makakabanggaan ng Mavericks sa Huwebes ang Golden State Warriors.

Ang Thunder ay may face-off sa Lakers sa Huwebes na susundan kontra sa Clippers sa Biyernes na kapwa gagawin sa LA.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here