-- Advertisements --

Mahaharap naman sa malaking hamon ang Dallas Mavericks sa Game 5 ng Western Conference semifinals dahil sa homecourt pa ng Oklahoma City Thunder ito gaganapin.

Noong Game 4 ay tinalo ng Thunder ang Mavs 100-96 para maitabla sa 2-2 ang kanilang serye.

Nanguna sa nasabing panalo si Shai Gilgeous-Alexander na nagtala ng 34 points na nahigitan ang pinagsamang 27 points ng Mavs star na sina Luka Doncic at Kyrie Iriving.

Inamini ni Irving na naging matindi ang depensang ipinakita ng Thunder kaya nalimitahan ang kanilang paggalaw.

Nilinaw din ni Dallas coach Jason Kidd na hindi sila natataranta sa anumang depensa ng Thunder at patuloy din ang pagpapaalala sa kaniyang manlalaro na gawin ang lahat ng makakaya para makapasok sila sa finals.