Ikinalugod ng Malacañang ang mataas na score na nakuha ng Pilipinas sa Toluna-Blackbox Index of Global Crisis Perceptions laban sa COVID-19.
Ang Toluna-Blackbox Index of Global Crisis Perceptions ay isang nangungunang social reaserch agency na nakabase sa Singapore na kumukuha ng inpormasyon kugnay sa perceptions ng bawat mamamayan sa ginagawang pagtugon ng kanilang gobyerno sa COVID-19 pandemic.
Sa statement na inilabas ni Presidential Spokesman Harry Roque, pinasalamatan niya ang sambayanang Pilipino dahil kontento sa ginagawang hakbang ng gobyerno para makontrol ang pagkalat ng COVID-19 sa bansa.
Ayon kay Sec. Roque malaki rin ang papel na ginagampanan ng mga pribadong sektor at media organization sa ginagawang pagtulong sa pamahalaan para mapigilan ang pagkalat ng COVID-19.
Batay sa resulta ng Toluna-Blackbox Index of Global Crisis Perceptions mula sa 23 mga bansa nakakuha ang Pilipinas ng 49 index score samantalang ang mga bansang Australia ay 43, Germany at US ay 41, UK na may 37, Mexico ay 37, Italy, Thailand at Iran na may 36, France ay 26 habang Japan ay 16.
Inihayag ni Sec. Roque ang mataas na score ng Pilipinas sa Toluna-Blackbox Index of Global Crisis Perceptions ay kahayagan ng “bayanihan spirit we heal as one nation” ng mga Pilipino.
“The Palace welcomes the results of the Toluna Blackbox showing Filipinos are satisfied with the country’s response to the coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic. The global survey, we understand, was conducted by a leading social research agency in Singapore, measuring citizens’ sentiments regarding their national COVID-19 crisis management efforts,” ani Sec. Roque.