-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO- Naaresto ng mga otoridad ang isang mataas na opisyal ng New Peoples Army (NPA) at 2 kasamahan nito sa probinsya ng Cotabato.

Ang isa sa mga nahuli ay Finance Officer at Commanding Officer ng Larangang Guerilla Unit 1 ng Front Committee 53 at dalawang kasama nitong babae.

Ayon kay Cotabato Police Provincial Director Colonel Henry Villar na nahuli ang mga rebelde sa inilunsad na operasyon ng tropa ng 90th Infantry (Bigkis-Lahi) Battalion Philippine Army at PNP Matalam asa Purok Kamon Barangay New Alemodian Matalam North Cotabato.

Narekober sa mga suspek ang dalawang anti-personnel Improvised Explosive Devices (IEDs) isang kalibre.45 na pistola, mga bala,magazine,anim na cellphone,1 unit media pad, 1 hard drive, 1 power bank, 16 na sim cards, 1 flash drive, 1 card reader, 2 cellphone chargers, 1 AM/FM radio, cash na nagkakahala ng P10,435.00, assorted documents,ID’s, assorted medicines at ibang mga personal na kagamitan.

Nahuli ang tatlong NPA sa pagtutulungan ng militar at pulisya kontra sa makakaliwang grupo.

Sa ngayon ay hawak ng 90th IB ang 3 NPA at isinailalim sa tactical interogation.