-- Advertisements --
Ikinokonsidera ng Department of Education (DepEd) ang magiging gastos kapag sila ay nagsagawa ng mass testing sa mga mag-aaral.
Sa isang panayam, inihayag ni DepEd Undersecretary Revsee Escobedo na ang hakbang ay para na rin sa kapakanan ng mga estudyante, guro at mga non-teaching personnel ngayong panahon ng coronavirus pandemic.
Layunin nito na maibsan ang pagdududa ng mga magulang na papasukin ang kani-kanilang mga anak.
Magugunitang maraming mga magulang ang umalma hangga’t walang mass testing na nagaganap bago ang pormal na pagbubukas ng School Year 2020-2021 sa darating na Agosto 24.