TACLOBAN CITY – Aabot sa 200 katao ang nagsagawa ng mass rally at vigil sa bayan ng Hilongos, Leyte bilang pagpapakita ng kanilang galit sa nangyaring pagpatay sa isang punong barangay na inako ng mga miyembro ng New People’s Army (NPA).

Ayon kay Lt. Col. Roberto Obaob, commanding Officer ng 78th Infantry Battalion, layunin ng naturang mass rally na maipakita ang kanilang pagkondina sa brutal na pagpatay kay Virgilio Lucwas, punong barangay ng Brgy. San Antonio, Hilongos Leyte.

Kabilang sa nagsagawa ng mass rally at vigil ang mga residente ng naturang barangay gayundin ang mga kalapit na lugar.

Una rito binaril ang biktima ng mga armadong kalalakihan habang nangingisda sa liblib na barangay kasama ang dalawang iba pa.