-- Advertisements --

Target ilunsad ng Department of Agriculture (DA) ang dalawang Masagana rice programs sa Oktubre ng kasalukuyang taon na layong mapataas ang rice production sa bansa.

Ayon kay Agriculture Assistant Secretary Arnel de Mesa, hihiling ang kagawaran para sa alokasyon ng pondo na nagkakahalaga ng P4 billion para sa implementasyon ng Masagana 150 at Masagana 200 rice production programs.

Sa pamamagitan ng Masagana 150 program, target na makapag-ani ng 7.5 metric tons ng inbred rice kada ektarya na may production cost na P8.38 kada kilo.

Ito ay katumbas ng net profit na at least P50,000 kada ektarya para sa mga magsasaka at market price na P27.50 kada kilo.

Habang sa Masagana 200 rice program naman, target na makapag-produce ng 10 metric tons ng hybrid rice per hectare na may production cost na P7.82 kada kilo.

Ayon sa DA official, ang naturang mga programa ay inisyal na popondohan ng National Rice Program at ng Rice Competitiveness Enhancement Fund.