-- Advertisements --

Kinumpirma ni Deputy Speaker Jay Khonghun na nakapag usap na sina Speaker Martin Romualdez at incoming speaker Faustino Bogie Dy matapos inaanunsiyo na magbibitiw na sa kaniyang posisyon si Romualdez.

Sa isang panayam sinabi ni Khonghun na everythin is okay, maayos at in-high spirit si Speaker Romualdez ng makipag pulong sa mga party leaders.

Sinabi ni Khonghun na wala pa namang anunsiyo na magkakaroon ng rigodon sa mga deputy speakers at mga committee chairman aniya ang mahalaga ngayon na magkaroon ng stability sa liderato ng Kamara.

Naka tutok ang kamara ngayon sa budget briefing para sa fiscal year 2026.

Giit ni Khonghun na suportado ni Speaker Romualdez si Rep. Bogie Dy dahil sila ay magka ibigan.

Sa kabila ng pagpalit ng liderato sa Kamara, siniguro ni Khonghun na mataas pa rin ang moral ng kamara.

Ayon kay Khonghun, kumpiyansa si Speaker Romualdez na magtuloy tuloy ang mga sinimulan ni speaker romualdez na mga adhikain na tulungan ang ating pamahalaan lalo na ang administrasyon ni PBBM. 

Sinabi ni Khonghun ang dahilan kung bakit si Rep. Bogie Dy ang pinili ay dahil sa kaniyang experience.

Inihayag din ni Khonghun na matagal ng pinag iisipan ni Speaker Romualdez na magbitiw sa kaniyang posisyon dahil masyado na naapektuhan ang Kamara sa mga isyu.

Mahal ni Speaker ang Kamara kaya minabuti nitong bumaba sa pwesto.

Isinakripisyo ni speaker ang kaniyang pwesto para sa kapakanan ng Kamara.

Ngayong bumaba na sa posisyon si Speaker Romualdez matututukan na rin nito ang mga alegasyon laban sa kaniya.