-- Advertisements --

Lalong lumakas ang inaasahang pagpapalit ng liderato sa Kamara de Representantes ngayong araw.

Ilang araw na ma-ugong na si Deputy Speaker Faustino “Bojie” Dy ng ika-anim na Distrito ng Isabela ang posibleng pumalit bilang House Speaker, kapalit ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez.

Bago pa man ito, lumutang na rin ang pangalan ng ilang mambabatas bilang mga potensyal na kandidato sa posisyon:

Ronaldo Puno – Unang Distrito ng Antipolo
Vincent Franco “Duke” Frasco – Ikalimang Distrito ng Cebu
Toby Tiangco – Navotas
Alfredo “Albee” Benitez – Bacolod

Bagamat may mga pahayag na nagsasabing tsismis lamang ang mga balitang ito, tila nagiging konkretong hakbang na ang pagpapalit ng liderato sa Kamara sa pagbubukas ng sesyon.