Napanatili ng bagyong Mirasol ang lakas nito matapos na maglandfall sa Casisguran, Aurora.
Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), na maryoong kabuuang 15 lugar na nakataas sa signal number 1.
Nakita ang epicenter ng bagyo sa bisinidad ng Casiguran, Aurora.
May taglay pa rin ito ng lakas ng hangin na 55 kilometers per hour at pagbugso ng hanggang 70 kph.
Ang mga lugar na nasa signal number 1 ay kinabibilangan ng Batanes, Cagayan kasama ang Babuyan Islands; Isabela; Quirino; Nueva Vizcaya; Dilasag, Casiguran, Dinalungan, Dipaculao, Baler, Maria Aurora, San Luis sa Aurora; Apayao; Abra; Kalinga; Mountain Province; Ifugao; Bakun, Mankayan, Kabayan, Buguias, Kibungan, Atok, Bokod sa Benguet; Ilocos Norte; Ilocos Sur at Polillo Islands.
Magdudulot ang nasabing bagyo na malakas na hangin at pag-ulan sa nasabing mga lugar.
Inaasahan na hihina ang bagyo sa loob ng 12 oras habang tinatahak ang northern Luzon.
Maaring sa araw ng Huwebes ay tuluyan ng makakalabas sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyo.