Isinapubliko ni US DOJ Special counsel Jack Smith ang mas marami pang mga ebidensiya sa 2020 elections interference case laban kay ex-US President Donald Trump.
Ito ay nasa halos 1,900 redacted pages ng mga dokumento na may 4 na volumes bagamat may mga blank pages.
Ang unang set ng mga ebidenisya ay kaugnay sa mga excerpts ng iba’t ibang committee interview ng US House of Representatives noong January 6 bilang parte ng imbestigasyon ng panel sa nangyaring capitol riot.
Ang ikalawang set of evidence naman ay naglalaman ng mga selyadong pahina gayundin ang mga tweets at iba pang social media posts ni Trump at kaniyang mga kaalyado kabilang ang ilang mga posts noong January 6 Capitol riot. Kung saan nagpatutsada si Trump kay ex-VP Mike Pence na wala umanong lakas ng loob para suportahan ang kaniyang pagsisikap na baliktarin ang election results.
Ang ikatlong set naman ay naglalaman ng mga larawan ng nilagdaang fake elector certificates na makakatulong sa pagbaliktad ng resulta ng 2020 election result, at transcript ng pagtawag ni Trump sa Georgia secretary of state matapos ang 2020 election kung saan hiniling ng dating pangulo sa kaniya na humanap ng mga boto para baliktarin ang resulta ng halalan.
Ang huling set of evidence naman ay ang memos mula sa lawyer na si John Eastman kung saan may plano para kay Pence na i-reject ang congressional certification ng 2020 election gayundin ang public statement ni Trump gabi bago ang January 6 riot.
Inaasahan naman na ang inilabas na mga ebidensiya ay gagamitin ni Smith para usigin at kasuhan si Trump.
Una naman ng tinutulan ng mga abogado ni Trump ang pagpapalabas ng naturang mga dokumento dahil sa nalalapit na presidential elections sa November 5 subalit hindi ito kinatigan ni U.S. District Judge Tanya Chutkan.
Matatandaan, una ng na-convict si Trump sa New York sa 34 na bilang ng pagpalsipika sa kaniyang business records para pagtakpan ang hush money payments sa porn star na si Stormy Daniels.