-- Advertisements --
Ipinagmalaki ni US President Donald Trump na mayroong magandang kahinatnan na ang pag-uusap ng US at Ukraine delegation.
Sa ginawang pulong ng mga opisyal ng US at Ukraine sa Switzerland, ay nagkasundo ang dalawa na repasuhin ang ilang 28-point ceasefire agenda ng US.
Inalmahan kasi ng Ukraine ang unang bahagi ng peace plan dahil sa mas pabor ito sa Russia.
Kasama ng Ukraine ang ilang kaalyado sa Europa kung saan iminungkahi nila ang mga panukala na maaring ikatapos na ng giyera sa pagitan ng Russia at Ukraine.
















