-- Advertisements --
image 218

Inaasahang mas marami pang criminal complaints ang ihahain laban kay suspended Bureau of Corrections (BuCor) Director General Gerald Bantag.

Ayon kay BuCor Acting Director General Gregorio Pio P. Catapang Jr, patuloy na nangangalap ng ebidensiya ang BuCor laban kay Bantag para sa plunder charges nito sa umano’y maanomaliyang proyektong pagtatatag ng tatlong prison facilities na nagkakahalaga ng P900 million.

May mga witness na aniyang handang tumestigo laban kay Bantag kabilang na ang mga contractors ng nasabing proyekto.

Aniya, napilitan lamang ang mga ito na baguhin ang detalye para sabihin na 95% kumpleto ang proyekto subalit hanggang ngayon ay hindi pa natatapos.

Inihayag din ni Catapang na base sa BuCor official na nag-inspeksiyon sa naturang proyekto na wala pa sa mahigit 60% ang natatapos sa naturang proyekto.

Hiniling na aniya ang tulong ng Department of Justice para sa karagdagang dokumento para suportahan ang kasong plunder laban kay Bantag.

Kung maaalala, sinampahan si Bantag ng dalawang kaso ng murder o pagpatay may kinalaman sa Percy lapid killing at nahaharap din sa torture at physical injuries complaints dahil umano sa pananakit at pagmaltrato sa persons deprived of liberty (PDLs) na sina Ronald Usman at Jonathan Escopete sa New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City na inihain sa Department of Justice (DOJ)