-- Advertisements --
Briones

Mistulang pursigido talaga ang Department of Education (DepEd) na ituloy na ang face-to-face classes sa gitna ng panawagan ng ilang mga magulang na huwag muna itong ituloy hanggat wala pang bakuna sa Coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Kasunod pa rin ito ng naging pahayag ni DepEd Sec. Leonor Briones na mas malaki raw ang tiyansa na mahawa ng COVID-19 ang mga bata kapag nasa bahay lamang ang mga ito.

Bagamat hindi tinukoy ng kalihim kung saan nagmula ang kanyang data, lumalabas daw  sa mga pag-aaral na mas malaki ang posibilidad na magka-covid ang mga bata kapag nasa bahay lamang kaysa nasa eskuwelahan ang mga ito.

Sa Enero 11 hanggang 23 sa susunod na taon ay isasagawa ng DepEd ang dry run para sa face-to-face classess.

Una nang sinabi ng DepEd na kailangan pa rin ang approval ng mga magulang at local government units (LGUs) kaugnay sa naturang plano ng pamahalaan.