-- Advertisements --
Makakaharap ni Pinay tennis star Alex Eala si Cristina Bucsa ng Spain sa ikalawang round ng US Open.
Tinalo kasi ng 27-anyos ng Spanish player sa unang round si Claire Liu.
Si Bucsa ay ranked 95 sa buong mundo habang si Eala ay ranked 75.
Ang sinumang manalo sa kanila ay makakaharap ang sinumang manalo sa pagitan nina Elise Mertens ng Belgium at Lulu Sun ng New Zealand.
Magugunitang nagtala ng kasaysayan si Eala ng magwagi sa unang round ng US Open matapos talunin si Clara Tauson.
Gaganapin ang laban ng dalawa mamayang alas-11 ng gabi oras sa Pilipinas.