-- Advertisements --

Ipinagtanggol ng Department of Transportation (DOTr) ang kumpanya na nagkokontrol ngayon sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Kasunod ito sa ilang reklamo ng pagtaas ng singil na ipinapatupad gaya sa parking fee.

Ayon kay Transportation Secretary Vince Dizon, na mula pa noon aniya ay naging transparent ang kumpanya.

Sumusunod aniya sila sa alintuntunin na ipinapatupad ng Asian Development Bank para gumanda ang serbisyo sa paliparan.

Magugunitang marami ang umalma sa pagtaas ng terminal fee sa mga domestic at international passengers ganun din ang pagtaas sa singil sa mga parking ng sasakyan.