-- Advertisements --

Patuloy na pinaghahanap ng mga otoridad ang isang suspek na nasa likod ng pamamaril sa dalawang kapulisan sa Australia.

Nangyari ang insidente sa Porepunkah kung saan nagpakalat na sila ng maraming kapulisan para sa paghahanap sa suspek.

Isinagawa ng suspek ang pag-atake habang nagsisilbi ng search warrant ang ibang mga kapulisan.

Tumakas ang suspek na si Dezi Freeman kung saan nahaharap ito sa kasong sex offense.