Aprubado na raw ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang mas maiksing isolation at quarantine periods para sa mga fully vaccinated health workers na infected o exposed sa Coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Inanunsiyo ito ni Presidential Spokesperson Karlo Nograles matapos ang pahayag ng ilang mga ospital na kulang sila sa personnel matapos ang biglaang pagtaas ng kaso ng COVID.
Base sa IATF Resolution 156 limang araw na lamang ang quarantine o isolation ng mga fully vaccinated na healthcare workers.
Nakasaad din sa resolusyon na puwedeng magpatupad ang hospital infection prevention and control committees ng shortened isolation protocols para sa mga fully vaccinated healthcare workers.
Pero kailangan pa rin daw i-assess dito ang mga risks at benefits.
Una nang sinabi ni Health Undersecretary Rosario Vergeire na ang mga fully vaccinated healthcare workers na tinamaan ng COVID-19 na asymptomatic at mayroong mild na sintomas o moderate case ay dapat mag-isolate ng kahit limang araw.
Ang fully vaccinated general population namang infected ng virus ay kailangan ang 10-day isolation period para sa mga asymptomatic at moderate case.