-- Advertisements --
Nagdeklara ng martial ang gobyerno ng Thailand sa walong distrito nila malapit sa border ng Cambodia.
Kasunod ito sa patuloy na labanan sa pagitan dalawang bansa dahil agawan ng teritoryo.
Sinabi ni Thailand acting Prime Minister Phumtham Wechayachai na ang nasabing kautusan ay agad na ipinapatupad.
Ibinabala din ito na ma-uuwi sa madugong giyera ang pangalawang araw na cross-border fight ng dalawang bansa.
Nitong huwebes ng nagkaroon ng palitan ng putok ang Thailand at Cambodia kung saan ilang siglo na ang labanan ng dalawang bansa.
Dahil sa insidente ay mahigit 138,000 katao na ang inilikas sa border region ng Thailand.