MARJORIE BARRETTO
Ms. Marjorie Barretto/FB Image

Nanawagan ang actress na si Marjorie Barretto sa kilalang negosyanteng si Atong Ang na huwag daw siyang saktan.

Kasunod ito nang pagbanggit ng pangalan ng negosyante sa kalagitnaan umano ng gulo na kinakasangkutan nilang magkakapatid.

Ayon pa kay Marjorie, marami ang nagbabala sa kaniya na baka kung ano ang gawin sa kaniya ng negosyante lalo na at kilala itong maimpluwensiya.

Ang nasabing pahayag ay makaraang sabihin na limang taong naging kasintahan ni Ang ang pamangkin nitong si Nicole.

Magugunitang mariing pinabulaanan ito ng negosyante at sinabing naging empleyado lamang nito si Nicole ganon ang pagkakasangkot niya kay Gretchen Barretto.