-- Advertisements --
Lumakas pa ang tropical depression Maring, habang nananatili sa silangan ng ating bansa.
Namataan ang sentro nito sa layong 495 km sa silangan ng Catarman, Northern Samar o 400 km sa silangan ng Borongan City, Eastern Samar.
Taglay na nito ang lakas ng hangin na 55 kph at may pagbugsong 70 kph.
Kumikilos ang TD Maring nang patimog kanluran sa bilis na 15 kph.
Maliban dito, binabantayan din ang isa pang low pressure area (LPA) na papalapit sa ating bansa.
Inaasahang papasok ito sa Philippine area of responsibility (PAR) sa darating na weekend.