-- Advertisements --

Lumakas pa ang tropical depression Maring habang nasa East Philippine Sea.

Huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 635 km sa silangan ng Borongan City, Eastern Samar.

Taglay nito ang lakas ng hangin na 55 kph at may pagbugsong 70 kph.

Kumikilos ito nang pasilangan hilagang silangan sa bilis na 10 kph.

Samantala, binabantayan din ng Pagasa ang isa pang low pressure area (LPA) na nasa labas ng Philippine area of responsibility (PAR).