Tiniyak ng lokal na pamahalaan ng lungsod ng Marikina na papanagutin maging sa mga empleyado may paglabag sa batas sa layon pagsusulong ng pagtuligsa sa mga ilegal na gawain.
Kamakailan lamang kasi ay nabisto ang ‘extortion scheme’ sa Marikina City Hall kung saan naaresto ang ilang administrative aides sangkot sa pangingikil.
Sa isang entrapment operation ay naaresto ng mga awtoridad ang dalawang suspek nang tumanggap ng marked money mula sa isang negosyante.
Sila’y nasa kustodiya na ng mga kapulisan at nahaharap sa kasong robbery-extortion, coercion, at paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act.
Pahayag ni Marikina Mayor Maan Teodoro na kanilang seseguraduhin makakasuhan ang mga mapang-abuso, gayundin pagtanggal mula sa serbisyo.
”Malinaw ang paninindigan natin: walang kakilala, walang palakasan,” ani Marikina Mayor Maan Teodoro.
”Sisiguraduhin ko na sinumang empleyado na lalabag ay haharap sa kaso, matatanggal sa serbisyo, at pananagutin sa batas,” dagdag niya.
















