Hinimok ng legal counsel ni presumptive president Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang mga petitioner na gustong kumilos laban sa Marcos presidency na kailangang maghintay pagkatapos ng proklamasyon.
Sinabi ni Atty. Estelito Mendoza na anumang mga katanungan sa mga kandidato at maging sa pagsasagawa ng mga botohan ay hindi maaaring itaas sa Korte Suprema.
Tinanong din siya kung maaaring humingi ng pansamantalang restraining order ang mga petitioner sa canvassing ng mga boto at proklamasyon ng mananalo para sa halalan noong Mayo 9.
Aniya, kailangang gawin iyan sa pamamagitan ng election protest at hindi sa ngayon.
Dagdag pa nito, ang Saligang Batas araw y nagbibigay ng step by step na proseso, kung ano ang gagawin sa mga boto na ibinibigay sa halalan.
Kung maaalala, nagsumite si Mendoza ng manipestasyon sa Supreme Court (SC) na nagsasaad na wala itong hurisdiksiyon para pigilan ang Kongreso sa pag-canvas ng mga boto at iproklama ang nanalo sa halalan ng pagkapangulo noong Mayo 9.
Ikinatwiran niya na ang nararapat na nahalal na pangulo at bise presidente ay dapat magsimula ng kanilang termino sa tanghali ng Hunyo 30 at tapusin ang kanilang termino sa parehong oras makalipas ang anim na taon, gaya ng nakasaad sa ilalim ng 1987 Constitution.