Inaasahang uulanin sa loob ng ilang araw ang maraming probinsya sa Luzon dahil sa epekto ng bagyong Raml.
Ngayong araw (Oct. 17), inaasahang makakaranas ng mga serye ng pag-ulan ang mga probinsya sa Bicol Region na pangunahing tinutumbok ng bagyo.
Bukas (Oct. 18), inaasahang makakaranas ng 50mm hanggang 100mm na pag-ulan ang mga probinsya ng Quezon, Camarines Norte, Camarines Sur, Catanduanes, Albay, Sorsogon, at Northern Samar.
Pagsapit ng Lingo (Oct. 19), kahalintulad na bulto ng ulan din ang inaasahang mararanasan ng mas maraming probinsya, lalo na sa Northern Luzon.
Kinabibilangan ito ng Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union, Apayao, Abra, Kalinga, Mountain Province, Ifugao, Benguet, Cagayan, Isabela, Quirino, Nueva Vizcaya, Aurora, at probinsya ng Quezon.
Hindi inaalis ng state weather bureau ang posibilidad na mas mataas na bulto ng tubig-ulan ang bubuhos sa mga nabanggit na lugar, lalo na kung lalakas pa lalo ang bagyong Ramil na kasalukuyang kumukilos sa silangang baybayin ng Pilipinas.