Maraming mga mag-aaral ang hindi nakakapag-aral ng tama sa ilalim ng remote learning setup.
Ito ang lumabas na resulta sa online survey ng Movement for Safe, Equitable,Quality and Relevant Education (SEQuRE) na isinagawa mula Hunyo 25 hanggang Hulyo 2 na binubuo ng 1,278 na guro, 1,299 na Grades 4 hanggang 12 na students at 3,172 na magulang na karamihan ay galing sa National Capital Region.
Lumabas sa survey na 86.7 percent ng mga mag-aaral sa ilalim ng modular learning, 66 percent sa ilalim ng online learning at 74 pecent sa blended learning ang nagsabing hindi sila natututo sa alternative modes ng pagtutur kumpara sa tradisyunal na face-to-face setup noo bago ang pandemic.
Tanging 5.4 percent lamang sa mga mag-aaral ng blended learning , 5.7 percent sa modular learning at 9.1 percent sa online learning ang nagsabing sila ay mas natuto.
Nasa 24.8 percent ng mag-aaral sa ilalim ng online learning, 20.7 percent sa blended learning at 7.6 percent sa ilalim ng modular learning ang naniniwalang mas maraming natutunan kumpara sa normal na pag-aaral bago ang pandemiya.
Magugunitang nagtapos na ang School Year 2020-2021 noong Hulyo 10.