-- Advertisements --
Pumalo na sa 64,756 ang nasawi sa ginawang pag-atake ng Israel sa Gaza.
Ayon sa Health Ministry ng Gaza, na ang nasabing bilang ay mula ng isinagawa ang Israel ang walang humpay na pag-atake laban sa Hamas noong Oktubre 7, 2023.
Bukod pa dito ay mayroong 164, 059 na iba pa ang nasugatan at nilalapatan ng lunas sa pagamutan.
Magugunitang maraming mga bansa ang nagkondina sa nasabing patuloy na pag-atake ng Israel dahil sa dami ng mga inosenteng sibilyan ang nadadamay.
Patuloy din ang ginagawang pulong ng iba’t-ibang mga bansa para isulong ang usaping pangkapayapaan sa pagitan ng Israel at Hamas.