-- Advertisements --

Kinondina ng maraming lider ng bansa ang naganap na pamamaril at pagpatay sa dalawang staff ng Israel Embassy sa Washington.

Nasa labas na ang mga biktimang magkasintahan na sin Sarah Lynn Milgrim at Yaron Lischinsky matapos dumalo sa isang kaganapan sa Capital Jewish Museum sa Washington DC ng sila ay pagbabarilin.

Naaresto naman ang suspek na si Elias Rodriguez , 30-anyos mula sa Chicago matapos ang insidente.

Sinabi US President Donald Trump na labis itong nalulungkot sa pangyayari kung saan nagpaabot na ito ng pakikiramay sa mga kaanak ng mga biktima.

Dahil na rin sa insidente ay pinadoble na ni Israel Prime Minister ang mga security sa kanilang mga embahada sa iba’t-ibang bahagi ng mundo.

Tiniyak naman ni Attorney General Pam Bondi na kaniyang papanagutin sa batas ang nasabing suspek.

Maraming mga bansa sa pangunguna ng European Union ang nagkondina sa insidente.

Hangad ng mga ito na mapanagot ang nasabing suspek sa kaniyang ginawa.

Magugunitang nilapitanng suspek ang grupo ng mga tao sa labas ng Capital Jewish Museum at pinagbabaril ang dalawang biktima kung saan sumigaw pa ito ng “Free Palestine”.