Maraming mga estudyante sa mga pampublikong paaralan ang hindi nakakapag-aral ng tama sa ipinatupad na remote learning dahi sa COVID-19 pandemic.
Sa isinagawang survey ng Movement for Safe, Equitable, Quality and Relevant Education (SEQuRE Educ Movement), lumabas na nasa 66 % hanggang 86% na mga estudyante na kanilang napagtanungan ang nagsabing hindi sila gaano natuto sa mga online learning.
Isinagawa ang survey sa 1,299 public student sa buong bansa na pinamunuan ni Professor Lizamarie Olegario ng University of the Philippines’ College of Education.
Base sa nasabing survey na mayroong 86.7 percent ang hindi natuto sa ilalim ng modular learning.
Habang mayroong 74% naman ang nasa ilalim ng blended learning na nakakapag-aral.
Umabot naman sa 66% ang nagsabing hindi sila gaano nakakapag-aral sa full online learning.
Karamihan sa kanilan ay idinadahilan ang problema sa computer access, computer skills, internet connections at ang halaga ng internet access.
Hindi rin aniya nagkakalayo ang bilang sa mga guro na hindi sang-ayon sa ipinapatupad na modular at distant learning.