-- Advertisements --

Hindi bababa sa 22 mga bansa ang nanawagan na dapat ay ituloy ang pagdaan ng mga tulong sa Gaza.

Naglabas ng pahayag ang mga bansa na pirmado ng mga foreign ministers ng mga bansang Spain, the Netherlands, Japan, Denmark, Australia, Canada, France, Germany, Italy, Spain at United Kingdom.

Sa nasabing pahayag ay marapat na magkaroon ng ‘limited restart’ ng aid operations sa Gaza.

Susundan ito ng kumpletong pagbabalik ng humanitarian assistance.

Magugunitang hinarang ng Israel ang pagpasok ng mga tulong medical at pagkain mula sa United Nations kung saan ikinabahala ito ng maraming bansa dahil sa pagdami ng bilang ng mga nagugutom at nasasawi.