Nanawagan ang maraming boxing fans na dapat tanggaln ana lamang ng lisensya ang isang boksingero na kumagat sa tiyan ng kalaban nito.

Ito ay matapos na ma-disqualified ang British heavyweight boxer na si Kash Ali dahil sa pagkagat sa tiyan ng kalabang si David Price.

Nasa pang-limang round pa lamang sa 10th round match sana nang bigla na lamang kinagat ni Kash Ali ang tiyan ng si Price.

Dahil sa pangyayari ay nagdesisyon ang British Boxing Board na i-disqualify ang 27 anyos na si Ali at igawad ang panalo sa 35-anyos na si Price.

Magugunitang noong taong 1997 ay naging kontrobersyal ang ginawang pagkagat sa tenga ni US heavyweight champion Mike Tyson kay Evander Holyfield.