-- Advertisements --
Ibinunyag ni Pangulong Rodrigo Duterte na 75 percent na suplay ng COVID-19 vaccine sa buong mundo ay iniipit ng hindi bababa sa 10 mga bansa.
Sa kaniyang national address nitong gabi ng Miyerkules, sinabi ng pangulo na ito ang dahilan kaya hindi pa nakakabili ang Pilipinas ng bakuna laban sa COVID-19.
Isa ang Amerika na inakusahan ng pangulo na nanghaharang sa mga bakuna para sa 332 milyon na populasyon ng kanilang bansa.
Pinayuhan na rin ng pangulo ang publiko na maghintay at sundin lamang ang kautusan ng gobyerno.