Inihayag ng Department of Justice na ipinatutupad ngayon ng Philippine Coast Guard ang implementasyon ng ‘recovery period’ sa mga technical divers nito sa Taal lake.
Ayon kay Justice Assistant Secretary at Spokesperson Mico Clavano, mayroong ‘cycle’ ang ngayo’y sinunusod ng mga divers sa nagpapatuloy na search and retrieval operations sa lawa.
Aniya’t para daw makarekober ang katawan ng mga ito kasabay din ng paggamit ng ‘decompression machines’ upang mapadali ang operasyon.
Kanya pang idinagdag na kanilang inaasahan na madagdagan pa ng husto ang mga butong narerekober mula sa tubig o ilalim ng lawa.
Samantala kanya naming kinumpirma ang kabuuang bilang na 355 human bones na narekober sa Taal lake.
Mula aniya sa higit 400 mga labi, 46 ang natuklasang hindi mga buto ng tao o ‘non-human fragments’.
Ngunit aminado ang naturang tagapagsalita na bigo pa ring matiyak ng Philippine National Police Forensics Group ang bilang kung ilang katawan tao ang narekober.
Kasunod ng mapaulat na nagkakasakit na ang mga technical divers para lamang makuha ang umano’y mga labi na inilibing, ani Justice Secretary Remulla dahil raw ito sa dumi ng tubig.
Giit niya’y bukod dito, wala rin aniyang ‘oxygen’ sa ilalim ng lawa at bigo pang makakita dahil sa hindi abot maging ang liwanag ng araw.