Sinisimulan na ng vaccine manufacturers ang pag-aaral sa bagong COVID-19 variant na binigyan nang tawag na Omicron variant.
Matatandaang na-detect ito sa South Africa bago kumalat sa iba pang mga lugar, na kinabibilangan ng Israel, Hong Kong at Belgium.
Itinuturing ito ng World Health Organization (WHO) bilang variant of concern na mas nakakahawa at kayang makaapekto sa bisa ng mga available na bakuna.
Ayon sa kompaniyang Moderna, maaari nilang makompleto ang human trial sa kanilang bakuna sa loob ng dalawang buwan, ngunit ang manufacturing ng vaccine ay tatagal din ng ilan pang dagdag na mga buwan.
Para naman sa Pfizer/BioNTech, kakailanganin nila ng anim na linggo o isa at kalahating buwan bago maka-develop ng angkop na bakuna.
Maging ang Johnson and Johnson at Novavax ay nagsimula na rin ng kanilang mga pag-aaral ukol sa Omicron variant.