-- Advertisements --

Ibinebenta na ngayon ni NBA star Tristan Thompson ang kaniyang mansion sa Los Angeles.

Nagkakahalaga ang kaniyang Encino Mansion ng $8.5 million.

Tumaas ito ng $2 million ng mabili niya noong nakaraang taon ang 10,000 square foot farmhouse style na bahay.

Mayroong pitong kuwarto at 7.5 na banyo na may sariling bells at whistles bukod pa sa pool, outdoor kitchen, bar, spa , foyer, marble fireplace, hiwalay na fire pit, home movie theater, twirling staircase at guest house na may dalawang kuwarto.

Nagdesisyon ang NBA player na ibenta ang bahay matapos ang paghihiwalay nila ng kasintahan Khloe.