-- Advertisements --
image 461

Ibinabala ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ang tight o manipis na suplay ng kuryente ngayong panahon ng tag-init sa gitna ng mataas na demand ngayong taon.

Ayon sa power grid operator, tinatayang tataas sa 13,125 megawatts (MW) ang peak demand sa Luzon hanggang sa katapusan ng buwan ng Mayo.

Ayon sa Department of Energy (DOE), ito ay 8.35% na mas mataas kumpara sa aktwal na peak load na 12,113 MW noong nakalipas na taon.

Para naman sa Visayas, ang inaasahang peak sa demand ng kuryente ay sa Setyembre habang sa Mindanao naman ay inaasahang mararanasan ang peak demand sa Hunyo.

Sinabi pa ng NGCP na inaasahang magkakroon ng manipis na operating margisn ang Luzon mula Abril hanggang Hunyo dahil sa naranasan na sa nakalipas na taon kung saan tumataas ang demand tuwing buwan ng tag-init.

Bagamat ayon sa case projections ipinapakita na walang yellow o red alerts, may ilang linggo aniya sa pagitan ng Marso at Abril kung saan mas mababa sa kinakilangang lebel ang operating margins dahil sa mataas na demand at planned outages ng mga planta.

Ang yellow alert ay iniisyu kapag ang suplay ng kuryente ay mas mababa sa contingency requirement ng grid habang sa red alert naman, iniisyu ito kapag ang suplay ay mas mababa kumpara sa consumer demand.