-- Advertisements --

Personal na binisita ng kasalukuyang akalde ng Maynila na si Mayor Francisco ‘Isko’ Moreno Domagoso ang iba’t ibang mga lugar na naapektuhan sa naganap na gulo kagabi. 

Kung saan nagsagawa ng inspeksyon ang naturang alkalde sa kahabaan ng Recto Ave, Mendiola na siyang itinuturing bilang ‘ground zero’ ng pinangyarihan. 

Kasabay kasi ng malawakang mga kilos-protesta kontra korapsyon ay sinundan ito ng panggugulo ng ilang grupo o bilang ng mga kabataan na siyang pasimuno ng karahasan 

Kaya’t matapos ang insidente, kadyat na nilinis at ipinag-utos ni Mayor Isko Domagoso ang pagsasaayos ng mga nasirang pasilidad at kagamitan ng pamahalaan. 

Bukod sa bayolente at pananakit ng mga ito sa pangkat ng kapulisan, nanira ang grupo ng mga ari-arian sa kasagsagan ng anti-corruption rally. 

Gayunpaman ay patuloy na isinasaayos ito ng lokal na pamahalan sa kanilang paglilinis ng mga kalat at pagpintura ng mga bandalismo sa lungsod. 

Habang bunsod nito’y ibinahagi naman ng alkalde na nasa higit 100-indibidwal na ang naaresto at nasa kustodiya o pangangalaga na ng mga awtoridad. 

Bunsod nito’y nagbigay babala si Mayor Isko Moreno sa mga naarestong indibidwal na siyang pasimuno ng naganap na gulo at tensyon kasabay ng mga kilos-protesta. 

Aniya’y kakaharap ang mga ito sa kasong kriminal at sibil dahil sa paninira ng ari-arian at tiniyak na pagbabayarin ng parusa.