chooks
-- Advertisements --

Nabigo ang Manila Chooks TM sa Graz Austria 22-17 sa qualifying draw stage ng 2021 FIBA 3×3 World Tour Doha Masters.

Hindi napanatili nina Chico Lanete, Mac Tallo, Zachary Huang at Dennis Santos ang kanilang maagang kalamangan sa laro.

Hawak kasi nila ang kalamangan 8-4 sa simula ng laro matapos ang 5-0 run.

Nagsimulang gulatin ng mga matatangkad na Austrian players ng maitabla sa 9-9 ang score at makuha ang 18-16 na kalamangan.

Sinbukuan pa ng pambato ng bansa na bumangon subalit naging matindi ang opensa at depensa na ipinamalas ng katunggaling koponan.

-- Advertisement --