-- Advertisements --

hunt2

Naglunsad na ng follow-up operations ang PNP laban sa nalansag na sindikatong sangkot sa gun-running o pagpupuslit ng armas sa Quezon City.

Ito’y matapos maaresto ng mga tauhan ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang lider ng Espenilla gun-running syndicate na si Luis Espenilla at mga kasamang sina Rona Castañeda at Edmundo Salido.

Naaresto sila ng pinagsanib na puwersa ng Regional Special Operations Group at Regional Intelligence Division ng NCRPO sa ikinasang entrapment operations sa isang fast-food chain sa Novaliches madaling araw ng Miyerkules.

hunt3

Narekober sa mga suspeks ang isang shotgun rifle with magazine, 2 M14 rifles with magazine, ibat ibang klase ng ammunition, 3 mobile phones, 2 wallets,ID at ATM cards at boodle money.

Batay sa imbestigasyon ang nasabing grupo ay nag-ooperate sa Metro Manila at Central Luzon.

Ibinibenta ng grupo ang M14 rifles sa halagang P160,000.00 at ang shotgun ay nasa P40,000.00.

hunt1

Ayon kay PNP Chief P/Gen. Guillermo Eleazar, malaking dagok para sa ilang pulitiko at Metro Manila at Central Luzon ang pagkakaaresto kay Espenilla na siyang pinaniniwalaang nagsusuplay ng armas sa mga ito.

Gayunman, sinabi ng PNP Chief na kailangan pa rin nilang malaman kung kanino nagmumula ang mga ipinupuslit nilang armas at kung sinu-sino rin ang kanilang mga parokyano.

“Mahalagang matukoy ng mga imbestigador ng NCRPO kung sino ang mga parokyano nitong sindikato at kung saan nanggagaling ang mga baril na kanilang ibinebenta (It is important for NCRPO investigators to know who are the clients of this syndicate and the source of the guns that they sell),” pahayag ni Gen. Eleazar.

Kasalukuyang nakakulong sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City ang mga suspeks.