-- Advertisements --

Tuluyan nang umalis ang Chinese tugboat mula sa dati nitong posisyon sa Ayungin Shoal, malapit sa BRP Sierra Madre.

Unang ikinabahala ng marami ang presensiya ng naturang barko dahil sa pangambang hilahin nito ang nakasadsad na BRP Sierra Madre, ang nagsisilbing outpost ng Philippine Navy sa West Philippine Sea, bagay na dati na rin itong binalewala ng hukbo

Ayon kay spokesperson Rear Admiral Roy Vincent Trinidad, hindi na nakita ang naturang tugboat mula pa noong Aug. 26.

Muli ring tiniyak ng navy official na hindi kaya ng iisang tugboat na hilahin ang nakasadsad na barkong pandigma.

Ito ay mahipit aniyang nakasadsad sa naturang bahura, mula pa nang una itong dinala sa lugar noong 1999.

Sa kabila ng pag-alis ng Chinese tugboat, nananatili pa rin aniya ang ilang Chinese assets sa Ayungin Shoal.

Kabilang dito ang dalawang barko ng Chinese Coast Guard, dalawang inflatable boats, at 15 militia vessels.